Pagkatapos ay nagpasalamat din ito sa amo nitong si Geron sa pagdadala sa kanila sa hospital na iyon at sa pagsagot nito sa lahat ng gastusin nila sa hospital. Ngumiti lang si Geron dito at sinabing huwag na niyang isipin iyon ang mahalaga'y ligtas na ang asawa nito at ang bagong-silang na anak nito. Pinasalamatan din ni Mario si Cristina sa ginawa nitong pagtulong rito na pakalmahin ang asawa. Pagkatapos makita nina Geron at Cristina ang sanggol na babaeng anak ni Mario ay nagpaalam na sila kay Mario para makabalik sa kanilang mansion. Nakangiting magkahawak kamay na parehong lumabas ng hospital na iyon sina Geron at Cristina. Ipinagbukas kaagad ni Geron ng pinto si Cristina at pinaupo sa may front seat. Pagkatapos ay lumibot naman si Geron sa