harapan ng sasakyan nito patungo sa kabilang pintuan. Pagkabukas niya ng pintuan ay kaagad siyang naupo sa may front seat at nagsimulang magmaneho. Nakangiting nakatunghay sa harapan nila si Geron habang si Cristina naman ay paminsan-misang sumusulyap sa kanya. Mag-uumaga na noon. Natatawa si Geron sa nangyari sa kanilang dalawa. Nagkatotoo ang sinabi niya kay Cristina. Hindi nga sila natulog na dalawa ng gabing iyon... sa ibang paraan nga lang. Inabot na lang niya ang kamay ni Cristina sa tabi niya at nagpatuloy sa pagmamaneho pabalik sa kanyang mansion kung saan maari na niyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin.