Chapter 8
PAG-AKYAT nina Geron at Cristina sa loob ng bahay nito ay nakita nilang naghihintay sa kanila si Alfred. Nakatingin ito sa kanilang dalawa habang naglalakad papalapit rito.
"Saan ba kayo nanggaling na dalawa ni papa ha Tita Christine?" tanong kaagad nito sa tita nito.
"Wala Alfred," sagot ng ama nito para kay Christine. "Manganganak kasi ang asawa ng kapatas nating si Mario, kaya inihatid namin sila sa isang hospital."
"Talaga papa, mabuti naman kung ganoon..." sagot nito.