"Mabuti pa pala ang kaibigan kong si Luis at magkakaroon na siya ng batang kapatid, ako kaya magkaroon pa kaya ako ng kapatid papa?" tanong uli nito na nakatingala sa ama.
Napahalakhak si Geron sa tinuran ng anak dahan-dahan niyang sinulyapan si Cristina sa tabi niya at biniro ng mga titig niya. Namula kaagad ang mukha ni Cristina mabuti na lang at muling nagsalita si Alfred.
"Halika na Tita Christine matulog na uli tayo, inaantok pa kasi ako eh," yaya nito sa tita nito.
Napakamot na lang ng ulo niya si Geron, mukhang hindi na mangyayari pa sa madaling araw na iyon ang ninanais niyang mangyari sa kanila ni Cristina na inaakala niyang si Christine. Hinatak naman kaagad ni Alfred ang kamay ng nakangising si Cristina pabalik sa kwarto nito.