Pagkapasok nila sa kwarto ay liningon nitong muli si Geron. Nakita nitong iiling-iling pa rin si Geron sa nangyari at sa hindi na mangyayari sa kanila sa pagkakatong iyon.
Nakatulog naman kaagad si Alfred sa magara at pambatang kama nito. Nagpasya si Cristina na matulog na rin sa tabi ng pamangkin nitong si Alfred. Sa kama naman ni Geron ay ngitingiting inalala niya ang mga nangyari sa kanila ni Cristina ng gabing iyon at makalipas ang ilang sandali ay nakatulog na rin siya.
Pagkagising nina Geron at Cristina sa tanghali ay masayang sama-samang nag-tanghalian sina Geron, Cristina at ang guapong batang si Alfred. Pagkatapos nilang kumain ay nagpasyang magtungo ni Geron sa kanyang niyugan upang personal munang pangasiwaan ito at ng maipaalam na rin sa