kanila na hindi na muna makakapasok si Mario dahil nasa hospital ito at kasalukuyang inaalagaan ang asawa na bagong panganak. Matapos niyang mangasiwa sa niyugan ay nagpasya siyang puntahan muna ang kanyang malawak na pinyahan. Habang naglalakad siya pabalik sa kanyang sasakyan ay nakita niyang papalapit sa kanya si Gimena. Kinausap siya nito at niyayang sumama sa kanya sa sarili nitong hacienda. Hindi nakatanggi si Geron dahil minsang naipangako niya rito na minsan ay bibisitahin niya ito sa bahay nito. Pagkarating nila sa sariling hacienda nito ay kaagad na niyayang kumain ni Gimena si Geron. Hinainan si Geron ng masasarap na pagkain ng mga katulong nito. May balak si Gimena, lalasingin at pipikutin nito si Geron para mapilitan siyang pakasalan ito at mailayo sa pinagseselosan