nitong si Cristina na inaakala nitong si Christine. Sinabi rin ni Gimena na darating ang kapatid nitong si Ernesto ang matalik na kaibigan ni Geron mga ilang sandali para magkumustahan silang dalawa. Sinadyang papaniwalain ni Gimena si Geron na darating ang kapatid kahit hindi naman ito totoo para mapatagal si Geron sa bahay nito. Habang hinihintay ni Geron ang pagdating ng matalik na kaibigang si Ernesto matapos niyang kumain ay unti-unti naman siyang nilalasing ni Gimena. Abot lang ng abot ng basong may lamang alak si Gimena kay Geron hanggang sa tuluyan na ngang malasing si Geron. At sa tulong ng ilan nitong kapatas ay madali nilang nadala si Geron sa kwarto nito. Nang makaalis na ang mga kapatas nito ay pinagmasdan nito ang nakahigang si Geron sa kama. Umupo ito sa tabi niya at