pinagmasdan ang kabuuan nito. Hinimas-himas nito ang mukha ni Geron at nilaro ng isang daliri nito ang mga labi niya. Hangang-hanga ito sa kagwapohan at kakisigan ni Geron. Hinalikan ni Gimena ang nakapikit at lasing na lasing pa ring si Geron sa ibabaw ng sariling kama nito.
SA MANSION ay nag-aala na si Cristina dahil hindi pa rin nakakauwi si Geron. Nangako pa naman ito sa kanya na uuwi ng maaga para magkasarilinan silang dalawa. Nakatulog na rin si Alfred sa sarili nitong kwarto. Nagpasya si Cristina na sa kwarto na niya hihintayin ang pagdating nito. Binuksan niya ng bahagya ang pintuan niya para makita niya ito pag dumaan ito sa kwarto niya papunta sa sariling kwarto nito.