Alas dose na ng gabi subalit hindi pa rin nagpapakita si Geron. Lalo pang nag-alala si Cristina para kay Geron. Nag-aalala siya na baka kung napano na ito sa daan. Subalit ang labis na nagpapabagag sa kanya ay ang posibilidad na kasama ito ni Gimena at inaakit para mailayo sa kanya. Subalit pilit pa rin niyang pinanatag ang sarili na baka may kinausap lang itong mga mahahalagang tao kaugnay ng kanyang niyugan kaya natatagalan sa pag-uwi. Paminsan-minsan siyang naiidlip sa kakahintay rito subalit nagigising din kaagad. Hinintay pa ng hinintay ni Cristina si Geron. Hindi na kinaya ni Cristina ang matagalang paghihintay niya kay Geron at tuluyan na siyang nakatulog sa kanyang kama. Lumipas ang gabi at nagising na si Cristina. Kaagad siyang naligo at nagbihis pagkatapos ay tinungo ang kwarto ni Geron at