nagbakasakaling natutulog na ito sa sarili nitong kama. Subalit ng pumasok siya rito ay wala pa rin ito. Pinagmasdan niya ang kama nito at wala siyang nakitang palatandaan na natulog ito doon. Sinubukan niyang bumaba at hinanap ito sa may sala at baka doon na nakatulog dahil sa kalasingan. Subalit wala rin doon si Geron at ng tanungin niya ang ilang mga katulong ay sinabi ng mga ito na hindi nila napansing umuwi si Geron.  Alang-alala na si Cristina. Hindi na niya malaman kung ano ang iisipin niya. Naninikip ang dibdib niya sa kakaisip kung nasaan na si Geron ang lalaking pinakamamahal niya. Nagpasya siyang sa sala na ito muling hintayin. Kakaupo lang niya sa eleganteng sofa nito ng biglang dumating sa bahay ang isang kapatas sa niyugan. Tinanong kaagad ito ni Cristina kung nakita nito si Geron