subalit sinabi nitong hindi nito alam kung nasaan ang kanilang amo. Pagkaalis nito ay may dumating namang isang lalaki sa bahay ni Geron. Isa itong kapatas ni Gimena. Lumapit kaagad ito kay Cristina at nagpakilala. Sinabi nitong huwag silang mag-alala kay Geron dahil nasa bahay lang ito ng amo nitong si Gimena at natutulog sa kwarto nito at mga hapon na ito uuwi ng sarili nitong mansion. Umalis din kaagad ito pagkatapos. Ipinikit ni Cristina ng mariin ang kanyang mga mata. Magkahalong paninibugho at galit ang nararamdaman niya. Hindi na napigilan pa ni Cristina ang sarili niya, kaagad niyang tinanong ang isang babaeng katulong kung saan nakatira si Gimena. Sinabi naman kaagad ng katulong kung saan nakatira si Gimena at dahil sa nakikitang pag-aalala niya para kay Geron ay nagkusa itong