samahan si Cristina papunta roon. Kaagad na ipinagmaneho ng naiwang driver ni Geron si Cristina papunta sa malaking mansion ni Gimena kung saan naroon si Geron. Mabilis ang ginawang pagpapatakbo ng sasakyang ng driver ni Geron sa utos na rin ni Cristina at matapos ang ilang sandali ay narating na nila ang napakalaking mansion ni Gimena. Kaagad na nilakad ni Cristina kasunod ang katulong ang kahabaan ng malawak na hardin nina Gimena. Pagkatapos niyang kumatok sa malaking pintuan nito ay kaagad na may lumapit para pagbuksan sila. Binati ni Cristina ang katulong na nagbukas. Pinapasok naman kaagad ng katulong si Cristina at ang kasama niyang katulong sa bahay ni Gimena. Nang muli niya itong tanungin kung nasaan si Geron ay pinagmasdan muna siya sandali ng katulong na iyon.