Pagkatapos ay lumunok muna ito ng laway nito saka sumagot. 
       "Naku Ma'am hindi po ako maaring umakyat sa kwarto ni Ma'am Gimena kasi kabilin-bilinan po niya na huwag na huwag kaming aakyat sa kwarto niya dahil ayaw nilang magpaistorbo ni Sir Geron."
       Nagpanting kaagad ang teynga ni Cristina sa narinig mula sa katulong ni Gimena. Kaya walang kaabog-abog na inakyat niya ang hagdanan kasunod ang katulong at hinanap ang kwarto ni Gimena. At ng makita niya ito ay kaagad siyang kumatok at tinawag si Geron. Hindi ito sumagot bagkos ay narinig niyang sumagot si Gimena. 
       "O andiyan ka pala Cristina, halika pasok ka sa loob," sabi