nito mula sa loob ng kwarto nito. Kaagad namang itinulak ni Cristina ang nakasara subalit hindi nakakandadong pintuan ni Gimena. Naroon nga si Geron nakahubad ito at natatakpan ang beywang pababa ng puting kumot. Sa tabi nito ay ang nakangiti at nanunuyang si Gimena.
       "Ikaw talaga Cristina, di ba sinabi sa iyo ng katulong ko na ayaw naming paistorbo ni Geron, wala ka talagang modo ano," sabi ni Gimena kay Cristina habang nilalaro ng isang daliri ang kaliwang pisngi ng tulog na tulog pa ring si Geron. 
        Hindi na nakapagpigil pa si Cristina. "Geron!" malakas na bulyaw at tawag niya kay Geron. Kaagad namang nagising si Geron at nakita sa harapan ng hinihigang kama ang nanlilisik ang mga matang si Cristina. Biglang naunawaan ni Geron ang nangyayari sa loob ng kwartong iyon at