sinubukang magpaliwanag kay Cristina subalit inunahan itong magsalita ni Gimena.
"Napaksaya ko talaga kagabi Cristina. Pinaligaya ako buong magdamag ng pinakamamahal kong si Geron. Akin na siya at wala ka nang magagawa pa," pahayag nito at panunuya kay Cristina.
Subalit hindi nagpatalo si Cristina. "A ganoon, hinding-hindi ko na... hinding-hindi ko ibibigay sa iyo si Geron. Maski ilang beses na may mangyari sa inyong dalawa hindi ko pa rin isusuko sa iyo si Geron. Mahal na mahal ko iyan kaya hinding-hindi ako makapapayag na mapunta siya sa iyo!" malakas na sagot ni Cristina mula sa kanyang kinatatayuan sa loob ng malaki at magarbong kwarto ni Gimena.