"Ha mahal mo ako Cristina," nagulat at nakangising ulit ni Geron mula sa kamang kinahihigan nito habang nakatakip sa kalahating katawan nito ang puting kumot ni Gimena.
"Oo mahal kita, kaya bumangon ka na riyan at sumunod sa akin!" malakas na mando ni Cristina kay Geron pagkataos ay kaagad na tumalikod at nagsimulang maglakad palabas ng malaking kwarto ni Gimena.
Sinilip ni Geron ang sarili sa loob ng puting kumot na nakatakip sa kalahating katawan nito. Napagtanto nitong naka-boxer shorts lang ito at hindi rin nito mahanap sa paligid ang damit at pantalon nito. "Sandali, papano ako tatayo nito... naka-boxer shorts lang ako, medyo maiksi ito Sophia..." habol nito sa papalabas ng si Sophia.