Napalingon si Cristina ng bahagya kay Geron at kaagad na nagsalita. "Problema mo iyan, tumayo ka na riyan!" muling malakas na sagot ni Cristina at tuluyan ng lumabas ng pintuan ng malaking kwarto ni Gimena. Naiwan sa loob si Geron at si Gimena. Nakatulala pa rin si Gimena sa mga narinig at naging reaksyon ni Cristina taliwas sa inaasahan nito.
Kaagad na nag-umpisang tumayo ni Geron mula sa kinahihigang kama ni Gimena at itinapis ang puting kumot sa katawan nito. Nang tuluyan na itong makatayo at magsimulang maglakad ay nilingon nito ang hindi pa rin makapagsalitang si Gimena.
"Ah... Gimena pahiram na muna nitong puting kumot mo huwag kang mag-alala papasuli ko na lang ito maya-maya sa