isa kong kapatas," sabi ni Geron at kaagad na lumabas at bumaba para habulin si Cristina. Pagkalabas ng pintuan ng mansion ni Gimena ni Geron ay nakita nitong nasa loob ng sasakyan nito si Cristina. Nakasimangot na nakaupo sa backseat ng sasakyan nito. Atubili subalit naglakas-loob pa ring lumapit ni Geron sa nakaupong si Cristina. Pagkapasok sa sasakyan ay naupo ito sa backseat sa kaliwa katabi ni Cristina na inaakala nitong si Christine. Kaagad inutusan ni Geron ang driver nito na patakbuhin na ang sasakyan nito. Katabi sa pag-upo ng driver ang katulong na sumama kay Cristina papunta sa mansiong iyon. Hindi pa nagtatagal ang pagmamaneho ng driver sa kahabaan ng kalsada ay sinubukan ni Geron na kausapin si Cristina. Alam nitong galit siya rito. Subalit hindi nito mapigilang mapangiti sa