hindi niya nakayanan ang nangyari sa kanyang pinakamamahal na si Cristina. Isinigaw ng isinigaw ni Geron ang pangalan ni Cristina. Yinakap niya ito ng yinakap sa mga bisig niya. Ang mga luha niya'y pumatak sa mga pisngi ni Cristina sa higpit ng pagkakayakap niya rito. "Cristina, Cristina, Cristina!" hiyaw ni Geron. Hinatak kaagad siya ng ilang mga nurse at staff ng hospital na iyon palabas. Mula sa labas ng Emergency Room ay kitang-kita ni Geron ang pagsusumikap ng mga doktor na mai-revive ang nag-flatline ng si Cristina. Wala ng anumang palatandaang huminga pa ang babaeng pinakamamahal ni Geron na si Cristina.
        "Cristina... Cristina...." luhaan at punong-puno ng pighating daing ni Geron na nakatanaw sa pinakamamahal na asawa mula sa labas ng Emergency Room.