Pagkarating sa hospital ay kaagad na bumaba si Geron at itinakbo si Cristina papasok ng hospital. Sinalubong naman kaagad sila ng mga tauhan ng hospital na pinuntahan nila. Kinuha nila ang wala pa ring malay na si Cristina mula sa lubhang nag-aalang si Geron at mabilis na dinala si Cristina sa Emergency Room. Pumasok si Geron sa loob at kaagad na nilapitan ang nag-aagaw buhay na asawa. 
         "Mahal andito na tayo.... lumaban ka pa... lumaban ka pa... huwag mo na akong iiwan pang muli Cristina..." sambit ni Geron yakap-yakap ang nakahiga sa hospital bed na si Cristina. Biglang mag-flatline si Cristina. Nagsisigaw si Geron,