nag-aagaw buhay pa ring asawa niyang si Cristina. Sa awang naramdaman ng taong iyon ay kaagad itong pumayag. Pinasakay nito sina Geron at Cristina sa may backseat nito. Ang katiwala naman ay sa tabi nito sa may front seat. Binilisan ng husto ng may-ari ng sasakyang iyon ang pagmamaneho. Patuloy pa rin si Geron sa pagluha at pagsambit ng pangalan ng pinakamamahal niyang si Cristina.
"Cristina... Cristina malapit na tayo mahal ko.... lumaban ka... huwag kang bibitaw... malapit na tayo mahal ko..." halos mabaliw ng daing ni Geron yakap-yakap pa rin ang pinakamamahal na asawang si Cristina sa backseat ng sasakyan ng nagmagandang loob na lalaking iyon.