sa akin Cristina... lumaban ka para sa pagmamahalan natin..." kahabag-habag at kalunos-lunos na daing ni Geron yakap-yakap ang pinakamamahal na asawang si Cristina.
Mabilis na pinatakbo ng kanyang katiwala ang yate ni Geron at kaagad na tinahak ang direksyon papuntang syudad kung saan maari itong malapatan ng madaliang lunas. Sa pasigaw na utos ni Geron sa kanyang katiwala ay binilisan pa nito ng binilisan ang pagmamaneho sa yate ni Geron upang maisalba ang buhay ni Cristina.
Pagdaung ng yate sa pantalan ay kaagad na tinakbo ng katiwala ang nakita nitong sasakyang nakahimpil malapit sa pier na iyon. Sumunod si Geron dito at kaagad na nagmakaawa sa may-ari nito na tulungan siyang madala ang