nito. Binilisan pa ng katiwala ni Geron ang pagpapatakbo sa pangalawang jeep ni Geron. Tinunton nito ang daan patungo sa maliit na kahoy na daungan kung saan nakahimpil ang yateng sinakyan nilang dalawa ni Cristina papunta sa islang iyon. Pagkarating nila ay kaagad na bumaba si Geron mula sa jeep karga-karga ang nag-aagaw buhay at wala pa ring malay na si Cristina. Tinakbo ni Geron ang kahabaan ng maliit na kahoy na pantalan at ng marating na niya ang yate ay kaagad niyang ipinasok sa loob si Cristina. Ayaw bitawan ni Geron ang pinakamamahal na asawa. Luhaang paulit-ulit pa rin niyang sinasambit ang pangalan ng pinakamamahal na asawa, nanalangin na sana'y mabuhay pa si Cristina.
"Huwag mo akong iiwan mahal ko.... hindi ko na kakayanin kung mawawala ka pang mauli... lumaban ka para