iyon ng isla ay dali-dali siyang tumalon palabas mula rito at kaagad na tinakbo ang kanyang nakaparadang jeep upang mapuntahan si Cristina at maipagtanggol at mailigtas mula sa nagwawalang babae. Hindi pa nakakalayo sa pagmamaneho si Geron mula sa ibinaba niyang eroplano ay nakita na niya ang kanyang katiwala na menamaneho ang isa pa niyang jeep sa islang iyon sakay ang walang malay at agaw-buhay na si Cristina. Kaagad niyang itinigil ang menamanehong jeep at tinakbo ang menamanehong jeep ng kanyang katiwala. Tumigil ito malapit sa kanya pagkatapos ay kaagad na sumakay si Geron sa pangalawang jeep kitang-kita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang pinakamamahal na asawang si Cristina. Puno ng pagkabahala at pighati na niyakap ni Geron ang nag-aagaw buhay na si Cristina sa kanyang mga bisig at paulit-ulit na sinasambit ang pangalan