tama na rin ito. Patuloy sa pakikipagbuno si Cristina sa babaeng umaatake rito. Mabilis nang pinalipad ni Geron ang kanyang eroplano papunta sa maliit na paliparan. Kinakailangan niyang maibaba ito ng sa gayon ay matulungan niya at mailigtas si Cristina sa tiyak na kapahamakan. Binilisan ng binilisan ni Geron ang pagpapalipad ng kanyang eroplano hanggang sa matanaw na niya ang maliit na paliparan sa loob ng islang pinagdalhan niya kay Cristina. Bumuwelo si Geron at sinimulang ibaba ang menamanehong eroplano. Parang sasabog na ang puso ni Geron sa pag-aalala kung ano na ang nagyayari sa kanyang pinakamamahal na asawang si Cristina sa mga kamay ng nagwawalang babaeng iyon. Patuloy sa pagbaba ang one-seater airplane ni Geron at ng tuluyan na siyang mag-landing sa maliit na paliparang