mula sa himpapawid, kitang-kita pa rin niya ang ginagawang pag-atake sa kanyang pinakamamahal na si Cristina ng nagwawalang babaeng iyon. Nagawa ni Cristinang humarap rito kahit may tama na ito sa ginawang pag-atake ng babaeng iyon. 
        "Buhay ka pa pala, ang akala ko'y napatay na kitang mang-aagaw ka! Ang dapat sa iyo'y mamatay!" napakalakas na sigaw ng babae habang patuloy na nakikipagbuno sa may tama ng si Cristina. Humihiyaw si Geron sa sobrang takot at pangamba na nadarama niya para sa buhay ng kanyang pinakamamahal na babae. Nakita ni Geron na mas matangkad at mas malaki ang babaeng iyon kaysa kay Cristina kaya takot na takot siya na baka hindi magawang maipagtanggol ni Cristina ang sarili mula rito lalo na't may