Cristina at sa tuwing makakarating siya ay muli niya itong sinasabuyan ng mga mapupulang bulaklak na rosas. Naging napakasaya ni Cristina dulot ng ginagawa niyang pagpapakita ng pagmamahal para rito. Maging siya ay naging napaksaya rin sa nakikita niyang kaligayahan mula kay Cristina. Habang patuloy niyang inihuhulog ang mga bulaklak na rosas ay biglang may lumapit na isang babae kay Cristina na nakatayo at nakatingala pa rin sa kanya sa sinasakyan niyang one-seater airplane. Nakita ni Geron ang mabilis na paglapit ng babaeng iyon sa nakatalikod ritong si Cristina. Kitang-kita ni Geron mula sa himpapawid ang pag-angat ng babaeng iyon ng kanang braso nito hawak-hawak ang isang punyal at sa isang iglap lang ay tinamaan ang nakatalikod ritong si Cristina. Halow mabaliw si Geron sa kanyang nasaksihan