ang gusto niyang surpresa para kay Cristina. Nang malapit na sa mismong tapat ni Cristina mula sa himpapawid ang pinapalipad niyang one-seater airplane ay kaagad niyang isinaboy ang mga pulang rosas papunta kay Cristina. Kaagad na umulan ng napakagaganda at pulang-pulang mga rosas mula sa eroplano ni Geron pababa sa kinatatayuan ni Cristina. Kitang-kita ni Geron ang malabis na kasiyahan sa mukha ni Cristina sa ginagawa niya para rito. Mula sa lupa ay nakangiting kumakaway si Cristina kay Geron sa eroplanong sinasakyan niya. Tuluyan ng nahulog ang mga pulang rosas at bumagsak sa lupa. Napapalibutan na si Cristina ng mga mapupulang rosas na alay ni Geron rito para sa selebrasyon ng pinakaunang anibersaryo ng kanilang kasal.Paulit-ulit siyang nagpabalik-balik sa himpapawid papunta sa tapat ni