Napalingon siyang muli kay Cristina. May isang matangkad na lalaking lumapit rito. Tumigil ang matangkad na lalaking iyon sa harapan ni Cristina. Naulanigan ni Cristina ang papalapit na eroplano mula sa himpapawid kaya tumalikod ito at kaagad na tumingala. Nakita nito ang eroplanong pinapalipad ni Geron. Nakita nito ang puting banner na may nakasulat na katagang "Happy 1st Anniversary Cristina!!!" Napangiti kaagad si Cristina at kumaway sa lalaking minamahal nito lulan ng white one-seater airplane sa himpapawid. Kumaway rin si Geron pabalik kay Cristina. Maging ang katiwalang kararating lang ay kinawayan rin ni Geron. Kumaway rin pabalik ang katiwala ng resthouse na si Ronwaldo. Sumaludo pa ito kay Geron bilang greeting nito sa kanya. Pagkatapos ay umalis na ito para magawa na ni Geron