kasing-ganda ka ng asawa kong si Cristina. At sa muling pagsagi sa isip niya ng pangalan ng asawa ay kaagad na lumatay ang poot sa mukha niya. Nahalinhan ng galit ang panandaliang pagkaakit niya kay Cristina. Patuloy sa pagsasalita habang nanaginip ang tunay na Cristina. Napangiti si Geron at nagpasyang maupo sa pang-isahang sofa sa tabi ng malaking kamang kinahihigan ni Cristina. Bigla namang tumigil sa pagsasalita ng tulog ni Cristina. Nakatitig ritong muling nalaalala ni Geron ang binabalak niyang paibigin ito at saktan pagkatapos. Muli namang nagsalita habang natutulog si Cristina.
         "Mahal na mahal kita... bakit mo ako iniwan... bakit mo ako ipinagpalit sa iba..." marahang usal nito sa panaginip.
         Napakunot ang noo ni Geron sa narinig mula rito.