Nanaginip lang ba talaga si Christine o talagang iniwan ito ng kasintahan niya. Napailing siya. Gagong iyon, iwanan ba naman ang ganito kagandang babae. Muli niyang hinagod ng tingin ang kabuuan ng katawan ni Cristina. At muli ring nag-init ang katawan niya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na pinaglabanan ang nadarama niyang iyon. Paglalaruan ko lang ito at sasaktan, iyon ang dapat kong gawin. Muli siyang huminga ng malalim. Tumigil na rin sa pagsasalita si Cristina sa kanyang panaginip. Nagpasya nang tumayo at lumabas ng kwarto si Geron. Pagkababa niya ay kaagad siyang napainom ng malamig na tubig at napailing nang bahagya.