mama rito," masaya subalit may kunting luhang namuo sa gilid ng mga mata nito.
Inihilig ni Cristina ang katawan niya pakanan at iniyakap ang kanang braso kay Alfred. "Ganoon ba," sabi niya at bahagyang hinalikan ang ibabaw ng buhok nito. Napawi kaagad ang kunting lungkot na biglang nadama ng bata sa ginawa niya. Ngumiti itong nakatingala sa kanya. Nginitian din niya ito pabalik at niyakap pa ng mas mahigpit.
"Tita basta ha, nangako ka sa akin magtatagal ka rito sa bahay namin," pagpapaalala nito sa kanya.