"Gusto mo pa ba talagang manatili ako sa bahay niyo ha?" tanong niya rito subalit ang totoo'y gusto rin niyang manatili roon dahil balak din niyang muling mapa-ibig si Geron. Sa kung paanong paraan ay hindi pa niya alam.
"Oo naman Tita, kasi pag kasama kita parang kasama ko pa rin ang mama ko," pagtatapat ng bata sa kanya.
"O sigi kung iyan ang gusto mo," pasimpling sagot niya rito na napatingala ng mapansing bumaba sa hagdanan si Geron na nakakalad na ng maaayos. Napatitig siya sa kaguapohan at kakisigan nito habang patuloy na bumaba sa hagdanan. Napansin siya nito at bahagyang ngumiti sa kanya. Pagkababa niya ay kaagad itong linapitan ni Alfred at niyayang umupo sa tabi nila ni Cristina. Hatak-hatak sa