"Kanina pa ba kayo nanunuod ng TV ng Tita Christine mo ha Alfred?" tanong nito sa anak.
"Kanina pa po ako nanunuod papa, pero si Tita Christine kadarating lang. Sinamahan lang po niya akong manuod rito sa sala natin," sagot ng bata sa ama. "Natutuwa po talaga ako papa na magtatagal pa sa atin si Tita Christine. Kayo po papa natutuwa rin po ba kayo na magtatagal pa sa bahay natin si