Sinulyapan sandali ni Geron ang inaakala nitong si Christine. Ngumiti ito sa kanya at sumagot sa anak. "Oo naman, natutuwa ako na matagal-tagal pang mananatili sa bahay natin si Christine."
"Mabuti naman po papa kung ganoon, dahil gustong-gusto ko talagang magtagal pa sa atin ang Tita Christine ko," natutuwang sagot ng bata sa ama na kaagad sumulyap sa tita nito. Ngumiti lang si Cristina at marahang hinapyod at inayos ang buhok ng bata sa noo nito. Pinagmasdan ni Geron ang ginagawang pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit ni Cristina sa anak nito.