nagtatagal sa pagkain ay nagpasya si Geron na tanungin ito. "May kasintahan ka ba ngayon Christine?" tanong niya rito. Napatitig bigla si Cristina sa kanya. Napansin ni Geron ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Cristina. Napansin niyang tila hindi ito komportable sa tanong niya. Subalit nagpatuloy pa rin siya sa pagtatanong. "Napadaan ako sa tapat ng pintuan mo kagabi. Narinig kong nagsasalita ka habang nanaginip ka." Napansin ni Geron ang muling pagkagulat nito.  "Habang nakatayo ako sa labas ng pintuan mo ay narinig kong nagsasalita ka habang natutulog. Iniwanan ka ba ng kasintahan mo ha, Christine?" tanong at bahagyang pagsisinungaling niya sa totoong nangyari ng gabing iyon.
      Naghagilap kaagad ng maisasagot si Cristina. "Ha, a... oo