naghiwalay kami ng kasintahan ko."
"Ipinagpalit ka niya sa iba," mabilis na singit ni Geron sa nagsasalita pang si Cristina.
"Oo, ganoon nga Geron," marahang sagot nito. "Ipinagpalit niya ako sa iba..." dagdag pa nito na nakatitig ng mariin sa mga mata ni Geron.
"Pareho pala tayong ipinagpalit sa iba, kung ganoon," pahayag niya rito mula sa kanyang kinauupuan.
"Oo parang ganoon nga Geron," sagot niya. "Pero sana mapatawad mo na ang kapatid kong si... Cristina."
"Bakit ikaw napatawad mo na ba ang pagtataksil sa iyo ng kasintahan mo ha?" mabilis na tanong niya sa inaakalang si Christine.
"Ha, a... oo Geron, napatawad ko na siya," kaagad subalit