marahan nitong sagot sa kanya.
       Napatitig nang mariin si Geron dito. "Ang ibig mong sabihin na kapag bumalik ang iyong dating kasintahan at hingin ang kapatawaran mo ay muli kang makikipagbalikan sa kanya, ha?" 
       "Hindi na siguro..." sagot nito.
       "Mabuti naman kung ganoon," sagot naman niya at nakangiting muling nagpatuloy sa kanyang pagkain.
        Nangiti si Christina sa inasal niya kaya hindi rin nito mapigilan ang sariling tanungin siya. "Bakit Geron ayaw mo ba na patawarin ko ang dati kong kasintahan."
        Tumigil kaagad ito sa pagkain, iniangat ang ulo at tiningnan si Cristina ng derecho sa mga mata nito. "Oo Christine, ayokong patawarin mo siya," derechong sagot niya