pagkatapos ay muli siyang bumalik sa pagkain. Nanahimik si Geron kaya nanahimik na rin si Cristina at nagpatuloy sa pagkain katabi ni Geron. Pagkatapos kumain ni Geron ay kaagad itong tumayo at hinatak paatras ang upuan ni Cristina. "Halika samahan mo akong mamasyal sa palibot ng hacienda namin," yaya niya rito. 
          "O sigi Geron, kung iyan ang gusto mo," sagot ni Christina kay Geron. 
          Malakas ang loob ni Geron. Hinawakan niya ito sa isang kamay at hinatak ito nang marahan palabas sa kanilang pintuan. Sa hawak niya sa kamay nito ay sinisugurado niyang mararamdaman nito na may gusto siya rito. Napansin iyon ni Cristina at dahil sa balak din naman nitong muling makuha