ang pagmamahal niya ay hinayaan nito si Geron sa paghawak sa kamay nito. Napangiti si Geron sa nararamdaman niyang pagkakagusto ni Cristina sa ginawa niyang paghawak sa kamay nito habang patuloy sila sa paglalakad papunta sa may pintuan. Nakita sila ng kagigising pa lang na si Alfred. 
        "Pa saan ba kayo pupunta ni Tita Christine? Pwede po ba akong sumama sa inyong dalawa?" tanong nito sa ama.
        "Oo naman Albert," magiliw na sagot ni Cristina sa bata.
        "Hindi Albert, kami lang dalawa ni Christine ang lalabas. Dito ka lang muna sa bahay, hindi ka pa nag-aalmusal. Sa susunod ka na lang namin isasama ng Tita Christine mo, okay," sagot niya sa anak na nakatingala sa kanya sa loob ng kanyang malaking mansion.