"O sigi po papa, basta sa susunod ha isasama niyo na ako ni tita," pagsunod nito sa sinabi ng ama nito.
         "Oo pangako, kumain kang mabuti, para lumaki kang kasing-guapo ko," nakangiting sagot at bawi niya sa minamahal na anak.
          Pagkalabas nila ng pintuan ay binitiwan na ni Geron ang palad ni Cristina. Dahan-dahan silang naglakad na magkatabi habang pinapanuod sila ng ilang katulong na naglilinis sa labas ng malaking bahay nila. Bumati ang mayordoma niyang si Aling Chayong.
          "Sir dito po ba kayo manananghalian ni Ma'am Christine mamaya?" tanong nito mula sa likuran ng ilang katulong na abalang pinupunasan ang mga pabilog lamesa at ilang mga upuan sa labas ng malaking mansion. Kasalukuyan