ring dinidiligan ng hardinero ang mga halaman sa malawak na hardin nito.
"Magandang umaga Aling Chayong," bati ni Geron dito. "Hindi ko sigurado. Depende siguro kung anong maisipang gawin naming dalawa ni Christine." Sumulyap siya sa katabi niyang si Christine at binigyan ito ng mapaglarong mga ngiti.
Napansin iyon ni Aling Chayong kaya nangiti ito nang kunti. Bumawi kaagad ito ng mapansing namumula nang bahagya ang mukha ni Christine. "Sigi po sir, pero maghahanda na rin po kami ng pananghalian niyo kung saka-sakali. Saka huwag niyo na pong alalahanin si Alfred kami na po ang bahala sa kanya."
Nang malampasan na ng dalawa ang malaking gate ng malaking bahay ni Geron ay nagtuloy sila sa malawak na