taniman ng niyog na pagmamay-ari ni Geron. Napansin sila ng ilang mga kapatas doon at binati sila ng mga ito. Bumati rin si Geron sa kanila maging si Cristina. Matapos ang ilang sandali ay bahagi nasa malayong bahagi na sila ng niyugan kung saan walang mga trabahador na naroon. Muli nang hinawakan ni Geron ang kanang palad ni Cristina na inaakala niyang si Christine. Tumingala ito sa kanya at sinagot niya ito ng makahulugan at mapanghamong ngiti. Umiwas ng tingin si Cristina kaya nagpatuloy sa paglalakad si Geron hawak-hawak ng malakas at malaki niyang kamay ang makinis at malambot na mga palad ni Christina. Mga ilang sandali lang ay muling nagsalita si Geron.
         "Alam mo bang ganyang-ganyan ang ayos noon ni Cristina ng una ko siyang makita," sambit niya sa tabi nito na