nakatingin sa unahan ng nilalakaran nilang dalawa.
"Ha," biglang usal ni Cristina na nagkukunwaring si Christine.
"Oo, ganyang-ganyan ang ayos niya noon," sagot niya na sumulyap sa itim at maiksi nitong buhok. Nakangiti siya habang pinagmamasdan niya ang buhok at mukha nito. Iyon ang kahinaan ni Geron mahilig siya sa mga babaeng kahit maiksi ang buhok ay babaeng-babae pa ring pagmasdan. Lubha siyang naakit kapag nakikita niya ang makinis at maputing batok ng mga babae. A woman's bare nape is his biggest weakness.
"Talaga," sagot lang ni Cristina batid nitong sarili nito ang tinutukoy ni Geron.
"Oo nakita ko siyang pinapanuod ang isang oil painting