sa isang painting exhibit na pinuntahan ko rin noon," pahayag niya. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ito. Hindi makatingin si Cristina sa kanya. Batid nitong pinagmamasdang mabuti ni Geron ang mukha nito. "Alam mo bang sa gabing iyon ay nakuha ko kaagad ang mga halik niya," deretsong sabi niya rito na hinahagod ng tingin ang kanang pisngi nito at pababa patungo sa napakagandang leeg nito. Nag-init ang pisngi ni Cristina sa ginagawang paghagod ng tingin ni Geron rito. Kaya kaagad siyang pilit na bumawi. 
            "Ganoon ba, napakapilya talaga nitong si Cristina. Hinalikan ka agad niya," sabi nito na tumingala at sumulyap sa kanya.
            Humalakhak ng bahagya si Geron sa tinuran niya at sa