pilyang ngiti nito sa mga labi nito. "Hindi naman, ako ang unang humalik sa kanya at.... nagustuhan niya ito," dagdag at pagpapatuloy ni Geron na nakatitig sa mapupula at malambot na mga labi ni Cristina na inaakala niyang si Christine. Muling umiwas ng tingin si Cristina at nagpatuloy sa paglalakad, nauna na ito nang bahagya kay Geron. Hinabol naman kaagad ito ni Geron at hinawakan ang kaliwang palad nito. Umubo ito nang bahagya kaya napatingala si Cristina sa kanya. Sinalubong niya ito ng tingin pagkatapos ay hinigpitan pa nang bahagya ang hawak niya sa palad nito. Nginitian niya ito pagkatapos ay muling nagpatuloy sa paglalakad sa tabi nito.
Nang marating nila ang isang malaking puno ng mangga na bahagyang nakahapay ay nagpasyang tumigil na muna sa