kanilang paglalakad si Geron. "Halika maupo ka na muna diyan sa nakahapay na puno ng mangga. Hitik sa bunga ang punong pinaupuan ni Geron kay Cristina. Nang maayos na itong makaupo ay patalikod na sumandal naman siya sa bahagi ng puno na nagsisimulang tumubo paitaas. Tumingala siya at panandaliang pinagmasdan ang mga dilaw at hinog na mga bunga nito. Mula sa kinauupuan nito ay tumingala si Cristina at pinagmasdan ang mukha niya. Pinagmasdan nito ang mukha ng lalaking kanyang iniibig mula pa noon. Hindi pa rin nagbabago ang kagwapohan at kakisigan ni Geron. Gustong-gusto nito ang matangos at malakas na panga niya. Napako ang tingin nito sa labi ni Geron, sa mapulang labi niya na unang nakahalik rito. Lumingon si Geron kay Cristina kaya napansin niya ang ginawang pagtitig na iyon ni Cristina.