Nangiti siya at mapaglarong tumitig naman sa mapupula at malambot na mga labi ni Cristina. Ipinaramdam niya na gustong-gusto niya rin ang mga labi nito. Na naakit siya rito.
Muli siyang nagsalita. "Ano ba ang hitsura nang naging kasintahan mo dati, Cristina? Guapo rin ba siyang katulad ko?" tanong niya nakatitig ng mariin dito at naghihintay ng sagot nito.
Nakatitig sa mga mata ni Gerong sumagot ito ng derecho sa kanya. "Oo."
Kumunot ang noo ni Geron sa narinig mula kay Cristina. "Talaga." Pagkatapos ay tumigil si Geron at mariing tinitigan ito. Humarap siya rito at hinawakan ang dalawang mga palad nito. Hinatak niya ito patayo paharap sa kanya. Nakayuko itong nakatitig sa mga labi ni Cristina. "Talaga bang kasing-