guapo ko iyon... o mas guapo ako?" tanong niya rito. Dahan-dahang bumaba ang ulo ni Geron palapit sa labi ni Cristina. Bumilis ang tibok ng puso ni Cristina sa ginagawang iyon ni Geron. Kaya kumalas ito sa pagkakahawak niya sa mga palad nito at tumalikod sa kanya. "Oo na mas guapo ka roon," sabi nito na totoo naman dahil para rito ay mas gumaupo pa siya noong una siya nitong makita. Nag-iinit at namumula pa rin ang pisngi ni Cristina at alam na alam nito iyon kaya lalo itong kinakabahan sa tabi niya.
         "Buti naman kung ganoon," sabi kaagad ni Geron at muling hinawakan ang isang palad nito. "Halika na umakyat tayo ng burol."
         "Sigi Geron," sagot lang nito nakatitig sa palad niyang mas mahigpit ng nakahawak sa palad nito. Medyo bumilis