sa loob ng cafeteria.
"Ah... manliligaw ka pala ni Cristina," usal ni Gimena na nabuhayan ng loob.
"Matutulungan mo ba talaga akong mahanap ang mansion ng bayaw ni Cristinang si Geron ha?" tanong ulit nito na bahagyang naiinip na dahil hindi pa rin sinasabi ni Gimena kung saan mahahanap ang mansiong tinitirahan ni Cristina.
"Oo naman," nakangiting sagot lang ni Gimena kay Joseph. Nasigurado na ni Gimena na ang babaeng nasa bahay at kasama ni Geron ay ang totoong Cristina at ang pinakasalan ni Geron ay ang kakambal nitong si Christine na nagkunwaring si Cristina. Humahalakhak sa ang kalooban ni Gimena. Subalit sinikap nitong huwag magpahalata sa